Ibinahagi ni Vice President Leni Robredo sa vlog ng Youtube star na si Mimiyuuuh ang isang bagay na na-realize niyang “mali pala” na ginagawa niya at ng kanyang kampo pagdating sa isang isyu.

Sa ilan nang mga panayam ni Robredo, kadalasan niyang iginigiit na hindi niya binibigyang-pansin ang mga pag-atake laban sa kanya lalo na kung hindi ito makabuluhan.

Ngunit tila nagbago ang posisyon ng Bise Presidente at ngayo’y papalagan na ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa kanya lalo na kung dudungis ito sa kanyang reputasyon bilang opisyal ng gobyerno.

Nang tanungin ni Mimiyuuuh kung paano hinaharap ni Robredo ang mga “negativity” online, ibinahagi nito ang na-realize niyang dapat baguhin ng kanyang kampo ukol dito.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

“’Pag hindi naman totoo, hindi ka mabo-bother. Hindi ako naglo-lose sleep over it. Pero ang na-realize lang namin later on, dapat pala hinaharap namin yung mga negative kasi yung tao naniniwala kung hindi mo siya ni-re-refute,” paliwanag ni Robredo.

“Dati feeling namin ‘di naman totoo, 'wag natin pansinin. Huwag natin i-dignify. Mali pala yun,” dagdag niya.

Gayunman, hindi raw papatulan ng kanyang kampo ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon bagkus ay magbibigay sila ng oportunidad upang maitama ang mga ito.

“Hindi mo siya papatulan pero at least magbibigay ka ng opportunity na malaman [nila] kung ano ba talaga ang totoo. Kasi may mga kwentong ginagawa na hindi naman totoo.” sabi ni Robredo.

&t=56s

&t=56s">COOKING ESSENTIAL LUGAW WITH VP LENI ROBREDO!!!! | MIMIYUUUH - YouTube

Kamakailan, kabilang sa mga hinarap na “fake news” ni Robredo ang umano’y pamamahagi ng kanyang kampo ng halagang pera, snack bar at liham na nagkukumbinsing iboto siya sa Halalan 2020 sa naganap na nationwide caravan noong Oktubre.

Tinawanan lang ni Robredo ang mga nasabing akusasyon.