Kumpiyansa si Vice President Leni Robredo sa kanyang kampanya habang ipinagkibit-balikat nito ang mga pinakabagong hakbang ng mga Duterte sa Davao City at ang posibilidad na makaharap si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kasama si dating Senador Ferdinand Marcos Jr. sa 2022 polls.

“As far as our ticket is concerned, I don’t think it will affect us at all. If at all, when that happens, the lines will be clearer,” sabi ni Robredo sa naganap na online forum ng Rotary Club of Makati nitong Martes, Nob. 9.

Ito ang naging reaksyon ni Robredo nang tanungin siya sa kanyang reaksyon sa pag-withdraw ni Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte sa kanyang reelection bid na naging daan para maging substitute siya sa mayoralty bid ng kapatid na si Sara.

Di nagtagal pagkatapos ang tanong kay Robredo, sunod na binawi ni Davao City City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang reelection bid bilang alkalde habang lumalaki ang espekulasyon kung sasama siya sa tiket ni Marcos bilang bise presidente o kahalili ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ang opisyal na kandidato ng ruling party na PDP-Laban para sa pangulo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matatandaang huling minutong desisyon ang naging kandidatura ni Dela Rosa matapos bigong makumbinsi si Duterte-Carpio na tumakbo bilang pangulo.

Binanggit ng Bise Presidente na ang kanyang kampanya para sa pagkapangulo ay nakasalalay sa pagsisikap ng kanyang mga tagasuporta.

“I was saying earlier that this campaign is turning out to be very unconventional,”sabi ni Robredo.

Ang “conventional approach,” ayon kay Robredo, ay para sa mga kandidato na mag-organisa “on the ground” at mag-commission ng mga ad agencies na gumawa ng campaign materials.

“But, right now, it is the opposite,”sabi niya, na binabanggit na ang kanyang kampanya ay nagiging isang people’s movement.

Pinili pa ng kanyang mga tagasuporta at volunteer ang pink para sa kulay ng kanyang kampanya. Sila rin ang nag-oorganisa ng mga motorcade, caravan, at feeding programs.

Ibinahagi ni Robredo na marami sa kanila ang gumagastos ng sariling pera sa mga tarpaulin, billboard, poster, sticker, t-shirt at bukod sa iba pa.

Kung mapananatili ang suporta ng mga volunteers at supporters, naniniwala ang bise presidente na mayroon silang good chance sa 2022.

“Our supporters are the ones causing the ground to shift. Kadalasan nga kami yung nag-a-adjust,” ani Robredo.

“Right now we are very much focused on the kind of campaign that we want to do. You know that I decided at the 11th hour, so there’s much catching up to do. So, our only focus is to only get the job done,”dagdag nito.

Raymund Antonio