Sa bagong video message na inilabas ni Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang social media accounts, ipinakita nito ang ilan sa mga kagamitan ng kanyang mga supporters.

Ilan pa sa mga paraphernalia na ipinakita ni Robredo ay ang larawan ng pink na jeepney, tote bag, artworks at designs.

"Tama naman. Lalaban talaga tayo. Pero hindi ko lang 'to laban ha? Laban natin 'tong lahat," ani Robredo habang hawak ang isang paskil.

Dagdag pa ni Robredo, naging iconic na ang larawan niya habang siya ay naka-hair flip. Aniya, gusto niya ang simbolismong ikinakabit sa larawang iyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Eto sa totoo lang, nung nakita ko 'to noong una, parang feeling ko, ang lakas-lakas ko. Parang kaya kong gawin ang lahat!," ani Robredo.

Naniniwala si Robredo na nakapaganda ng simbolismong ipinapakita ng larawan mula sa kanyang taga-suporta.

Aniya, "Kasi 'pag babae ka, parang nae-equate ka lagi sa kahinaan, 'di ba? Pero nakita naman natin over the last almost six years, talagang the last man standing is a woman."

Nagpasalamat si Robredo sa kanyang taga-suporta at sinabi na hindi man niya maisa-isang mapasalamatan ang mga ito, ngunit nakikita niya ang mga pagkilos at gawa nila.

Dagdag ni Robredo, may binubuong "Robredo People's Council" sa bawat sektor at probinsya upang maging malinaw at organisado ang kanilang pagkilos.

Nag-iwan naman si Robredo ng mensahe sa publiko.

Aniya, "Ang pink ay hindi lamang kulay, ang pink ay uri ng pamumuhay. Maging maingat sa pananalita. Magsabi lagi ng totoo. Ipagtanggol ang katotohanan. Huwag magsalita ng masakit sa kapwa. At palaging piliing magmahal. Dahil ang komunikasyon, ginagamit para tayo'y magkaintindihan."