Pinabulaanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kumakalat na P500 commemorative banknote kung saan laman nito ang mukha ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“Ipinapaalam ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na hindi ito naglabas ng mga bagong disenyo ng salaping papel,” sabi ng BSP sa isang pahayag sa Facebook nitong Lunes, Nob. 9.

Unang lumitaw ang naturang banknote sa isang satirical Facebook page na Cebu Dairy News (CDN) noong Nob. 3.

Ilang araw matapos ilabas ang pekeng banknote, ilang supporter ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos at ng kanyang amang si dating Pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos ang nagpakalat ng larawan kabilang na ang Facebook page na “Marcos Defender 2022.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Larawan mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

Nagpaalala ang BSP sa publiko kaugnay ng mga "pekeng salapi" na ginagamit sa mga transaksyon.

“Pinapaalalahanan ng BSP ang publiko na maging mapanuri at hinihikayat nito ang sinumang nakakaalam ng paggamit ng pekeng salaping papel na ipagbigay-alam ito sa pulisya o sa Payments and Currency Investigation Group ng BSP (email address: [email protected]),” sabi ng BSP.

Sa huli, binigyang-diin ng BSP na labag sa batas ang pamemeke ng pera sa bansa.

“Sa ilalim ng Republic Act No. 10951, ang mga namemeke ng pera ng Pilipinas ay pwedeng patawan ng parusang pagkakakulong ng hindi bababa sa 12 taon at 1 araw at multang hindi hihigit sa dalawang milyong piso,” pagpupunto ng BSP.