Bumuo ng mga pangkat ang National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng case buildup laban sa 154 pulis na sangkot sa 52 illegal drug operations na nagresulta sa pagkamatay ng 56 na suspek at iba pa.

“Teams were formed to lead the regional offices concerned to supervise the conduct of the case buildup,” sabi ni NBI Deputy Director for Forensic Investigation Services Ferdinand M. Lavin sa naganap na Laging Handa Briefing nitong Martes, Nob. 9,

National Bureau of Investigation

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi ni Lavin na ang desisyon na lumikha ng mga pangkat ay naabot ni NBI Officer-in-Charge Director Eric B. Distor and NBI Deputy Director for Regional Operations Services Antonio M. Pagatpat.

Aniya, ang 52 kaso, na sinuri ng Department of Justice (DOJ), ay nangyari sa iba’t ibang lugar sa bansa kabilang ang Mindanao, National Capital Region at Southern Tagalog provinces.

“Yung region na nakakasakop dito ang mag-iimbestiga for expediency and familiarity of the area,” paliwanag niya.

Sinabi niya na ang Philippine National Police (PNP) ay nagpahayag ng pangako na “gawing available ang mga rekord ng kaso.”

Aniya, ang commitment ng PNP ay kaugnay sa kamakailang memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan noong Nobyembre 3 ni Distor at PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.

Ang kasunduan ay nagbibigay-daan sa kooperasyon at pakikipagtulungan sa pagsisiyasat ng mga maling gawain sa mga operasyon laban sa ilegal na droga ng pagpapatupad ng batas, dagdag niya.

Mismong si Justice Secretary Menardo Guevarra ang nag-utos sa NBI na magsagawa ng case buildup matapos ang pagsusuri ng DOJ sa mga record ng 52 kaso na intinurn-over Internal Affairs Servuce (IAS) ng PNP.

Jeffrey Damicog