Nangako si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang mga constituents na magpapaunlak ng 'halik' sa mga ito kapag tuluyan nang natapos ang pandemya ng COVID-19.

Ang pangako ay binitiwan ng alkalde sa kanyang pagbisita sa Brgy. Rosario kung saan ilang residente ang humihiling na mahalikan siya ng mga ito.

Magalang naman silang tinanggihan ng alkalde ngunit nangakong kapag natapos na ang pandemya ay puwedeng-puwede na aniya silang mag-kiss.

“Pasensya na po, bawal pa ang kiss. Ipagdasal po natin na matapos na ang pandemiya na ito,” ayon pa sa alkalde.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ako hindi ako mahilig mangako. Kahit balikan niyo po yung sinasabi ko noong kampaniya noong 2019, kahit 2016 hindi ninyo ako maririnig na nangangako... pero pangako ko po sa inyo, pagkatapos ng pandemiya, kahit mag-kiss po tayo puwedeng-puwede,” aniya pa.

Umani naman ng tilian mula sa kanyang mga constituents ang pahayag ng alkalde at ilan pa ang nagsabi na handa silang pumila makahalik lang sa kanya.

Si Sotto, na anak ng sikat na komedyante at TV host na si Vic Sotto at Coney Reyes, ay siyang Executive Vice President ng Aksyon Demokratiko.

Siya ay tumatakbo muli sa 2022 polls para sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng Pasig City.

Nangako naman siya sa mga constituents na kung napagtagumpayan niya ang hamon nang paglilingkod sa mga Pasigueño kahit panahon ng pandemya ay tiyak na magiging mas maayos ang kanyang panunungkulan sakaling wala na ang pandemya.

Tiniyak rin niya na kung ang makakasama niyang maupo sa puwesto ay kanyang mga kakampi at mapagkakatiwaan ay higit na magiging maayos ang pagpapatakbo sa lokal na pamahalaan.

Mary Ann Santiago