Isa na namang fixer na nag-aalok ng “legitimate” Certificates of No Marriage Record (CENOMAR) ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Red Tape Authority at National Bureau of Investigation Special Task Force.
Dinakip ang hindi pinangalanang fixer kahapon sa labas ng Philippine Statistics Authority Main Office sa Quezon City.
Inaresto ang fixer sa ikinasang entrapment operation habang tinatanggap nito ang kabayarang Php 3,500 sa isang fake documents.
Kaugnay nito muling pinayuhan ng ARTA ang publiko na huwag pumatol sa mga fixer sa anumang transaksyon.
Nasa custody na ng NBI ang suspect at mahaharap ng mga kaso dahil sa paglabag sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Beth Camia