ALICIA, Isabela -- Namatay sa isang vehicular accident ang kapitan ng barangay ng Angadanan, Isabela sa by-pass road sa Bgy. Sta. Cruz.

PNP

Kinilala ng Police Regional Office 2 ang biktima na si GIlbert Guillermo, 48, Bgy. Chairman, at residente ng Bgy. Aniog, Angadanan, Isabela.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa huling ulat mula sa PNP Alicia, dakong 10:40 ng umaga noong Nobyembre 7, isang Toyota Fortuner SUV na may plate no. NCW 1611 na minamaneho ni Johnly Nino, 29, residente ng Bgy. Bayabo East, Tumauini, Isabela ang bumabaybay sa timog na direksyon patungo sa Santiago City.

Nang makarating sa intersection point, patuloy na dumaan ang Fortuner at tinawid umano ang kalsada na bumangga sa Yamaha Mio Soul 125 na motorsiklong minamaneho ng biktima.

PNP

Nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan si Guillermo at isinugod siya ng responding team sa Cacal Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

PNP

Nasa kustodiya na ng Alicia Police Station ang suspek habang dinala ang biktima sa Carbonell Funeral Homes sa Angadanan, Isabela.

Isinailalim si Nino sa inquest proceedings at kinasuhan ng  Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property.

Liezle Basa Inigo