Pinatunayan ng isang artist/painter na si Francis A. Diaz, 24, mula sa Gandara, Samar na maaari pa ring magamit at maging kaaya-aya ang mga patapong bagay, sa pamamagitan ng kaniyang 'art illusion'.

Ipininta ni Diaz ang sikat na obra maestrang 'Mona Lisa' ni Leonardo Da Vinci, hindi sa canvas board, kundi sa mga pinagsama-samang mga patapong bagay, at syempre, gamit ang iba't ibang mga kulay ng pintura.

No description available.
Larawan mula sa FB/Francis A. Diaz

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

No description available.
Larawan mula sa FB/Francis A. Diaz

"Ang mga ginamit ko pong materyales dito ay plastic bottles, liquor empty bottle, empty cans, illustration board, at syempre po, acrylic paint," ayon kay Diaz sa panayam ng Balita Online.

24 oras niyang ginawa at natapos ang kaniyang obra maestra.

"Di kailangan ang canvas board para makagawa ng obra, dapat maging resourceful tayo, Nakagawa na nga ako ng obra, nakatulong pa sa kalikasan," mensahe niya.

Nauna na siyang maging viral dahil sa kaniyang bread artworks at bubog artworks. Bilang artist, talagang sinusubukan niya ang iba't ibang mga paraan at medium kung paano makalikha ng iba't ibang obra maestra, na malayo sa tipikal na paggawa o paglalagay nito sa karaniwang canvas board.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/04/broken-glass-art-tribute-inalay-ng-artist-para-sa-mga-atletang-pilipino-ng-tokyo-olympics-2020/">https://balita.net.ph/2021/08/04/broken-glass-art-tribute-inalay-ng-artist-para-sa-mga-atletang-pilipino-ng-tokyo-olympics-2020/