Ginunita ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ang ikawalong taon ng pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Tacloban at iba pang karatig-lalawigan, sa kaniyang tweet nitong Nobyembre 8, 2021, 11:43 AM.

Ayon kay VP Leni, magiging isa sa mga prayoridad niya ang pakikiisa sa paghahanap ng pangmatagalang solusyon para sa peligrong dulot ng climate change. Ito raw ang kaniyang magiging 'panata' o malalim na pangako sa sambayanan.

"8 years na since Yolanda. Ginugunita natin ang mga pumanaw, at nakikiisa tayo sa paghanap ng pangmatagalang solusyon at mas institusyonal na tugon sa mga sakuna at sa peligro ng climate change. Panata natin ito," aniya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

No description available.
Screengrab mula sa Twitter/Leni Robredo

Nagbigay naman ng reaksyon at komento rito ang mga netizens.

"Ito ang kailangan nating marinig ang concrete plans at pang matagalang solutions, hindi gaya ng ibang politicians na dumadalaw lang kung malapit na ang election."

"Sus, huwag na pong gamitin ang Yolanda para sa maagang pamumulitika! Kasalanan iyan ng mga dating nakaupo, saan na ba napunta ang malaking pondong inilaan noon para sa mga kababayang nasalanta? Sila ang pagbayarin ngayon, hinayaang mabulok at ma-expire ang mga pagkain at goods na sana ay napakinabangan ng mga tao?"

"Leni acknowledged that there were issues with what happened during Yolanda. Diyan pa lang nakikita na natin kung anong klaseng pinuno siya, na hindi dapat pinagtatakpan ang mga nangyari sa nakaraan, gawa man ng kampo niya noon. Di rin naman siya part ng national govt during PNoy."

"Kailangan pong pagtuunan ang climate change, seriously po, kasi diyan malaki ang nagagastos na pera sa mga disaster."