Sinabi ni San Miguel Chief Executive Officer Ramon S. Ang nitong Lunes, Nob. 8 na handa siyang ibenta muli sa gobyerno ang Petron Corporation sa madaling tuntunin kabilang ang five-year installment payment.

Ito ang alok ni Ang sa legislative measures na nagmumungkahi ng suspension ng excise tax sa mga produktong langis.

Tumugon ang SMC CEO sa mungkahi ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na nagpahayag ng paniniwala na ang pagbili muli sa Petron ay magiging mas madali para sa gobyerno na mabawasan ang presyo ng mga produktong langis na patuloy na tumataas mula simula ng taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ramon S. Ang

“Before I leave, iyong sina-suggest na bilhin ng gobyerno ang Petron, anytime po pwede ko ipautang ito sa Philippine government. Bilhin po niya ito for five years to pay,’ ani Ang sa naganap na briefing kaugnay sa nabinbing batas na layong suspendehin ang excise tax ng mga produktong petrolyo.

Naniniwala si Castro na ang mga malalaking kompanya kagaya ng Petron ay inaasahang kikita ng malaking tubo habang pinuntong “illogical” kung hindi ito ang kanilang layunin.

“Isa sa mga suggestion ng Makabayan block ay makuha ulit ang Petron Corporation, ma-nationalize ito para mas makapagpababa ng presyo,” sabi ni Castro.

Handa namang itong gawin ni Ang, habang sinabing hindi na niya intension na kumita ng pinansyal mula sa kanyang alok na ibenta mula ang Petron sa gobyerno.

“I swear kung gusto bilhin ng gobyerno, bilhin nyo na at ibebenta ko agad sa inyo. Pagawan na ninyo ng valuation immediately,” sabi ni Ang.

“Kung sa tingin ninyo jackpot iyang negosyong iyan, let the government buy it at the market valuation lang. Hindi na kailangan tubuan ang gobyerno,” dagdag niya.

Gayunpaman, nagbabala si Ang na nasa P18 bilyon ang lugi ng Petron nakaraang taon.

Para kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, isang kasiya-siyang balita ang alok ni Ang “so that government can have a say in controlling prices.”

”In fact, our House Bill 244 specifically calls for the full renationalization of Petron in a span of 4-5 years so that we can have a midterm to long term deterrent to runaway oil price hikes,” ani Gaite.

“Indeed, there is a pressing need for government to regulate and intervene in the oil industry to protect the majority of Filipinos from runaway increases in oil prices,”dagdag niya.

“But due to the control of monopolistic, transnational corporations, regulation can only be effective and truly beneficial if it is part of a program to institutionalize national oil industrialization so that local oil prices can be brought down from the unreasonable and unjustifiable levels set by giant transnational oil corporations and can be prevented from falling prey to further monopoly pricing and manipulation.”

Ben Rosario