Ang konstruksyon ng bagong Airfield Ground Lighting System (AGLS) ng Clark International Airport ay 81 porsiyento ng tapos.
Ayon kay Clark International Airport Corporation (CIAC) President Aaron Aquino na kasama sa proyekto ng AGLS ang rehabilitasyon at pag-upgrade ng runway at taxiway lighting and signages, at pagtatayo ng modernong 300KVA powerhouse na mayroong isolating transformers at lighting surge arresters.
Napag-alaman na ang P491.89 milyong proyekto ay nagsimula noong Nobyembre 11, 2020 at nakatakdang makumpleto sa Enero 5, 2022.
Ang AGLS ay isa sa dalawang major components ng CIACs airport infrastructure expansion program na ang pondo ay naaprubahan sa pamamagitan ng General Appropriations Act of 2020 sa ilalim ng account ng Bases Conversion and Development Authority.Leandro Alborote & Nicole Therise Marcelo