Marami nang nakaka-miss kung kumusta na ba ang 'Pambansang PacMom' ni presidential candidate Senator Manny Pacquiao, na si Dionisia Pacquaio o 'Mommy D' na minsan na ring pinasok ang showbiz, at nakasama pa sa isang romantic-comedy movie ng Star Cinema na 'Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round' noong 2009, kasama sina Ai Ai Delas Alas, Toni Gonzaga, Sam Milby, at dating Pangulong Joseph Estrada.

Kaya nitong Nobyembre 3, marami ang natuwa nang muli nilang masilayan si Mommy D, sa Instagram post ng misis ni PacMan na si Jinkee Pacquiao. Makikitang nakayakap si Mommy D sa anak at nakalapat ang baba nito sa ulo nito.

"A mother's heart. A mother's faith, and a Mother's steadfast love," ayon sa caption ng IG post.

"We love you, Mommy D."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Manny Pacquiao at Dionisia Pacquiao (Larawan mula sa IG/Jinkee Pacquiao)

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizens:

"Thank you for your unwavering and unconditional love, Mommy D. Because of you, we have a compassionate, grounded and humble servant in Sen. Manny. Mabuhay ka!"

"Si Mommy D nga super down to earth, very supportive Mom kaayo sa among next President. Mommy D, thank you for raising a good son."

"Hello Mommy D! We miss you!"

Ang huling kita kay Mommy D ay noong nakaluhod at nagdadasal siya sa isang chapel, sa huling laban ni Manny kay Cuban professional boxer Yordenis Ugas, kung saan natalo siya nito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/22/mommy-dionisia-naispatang-nagdarasal-para-sa-laban-ng-anak-na-si-manny/">https://balita.net.ph/2021/08/22/mommy-dionisia-naispatang-nagdarasal-para-sa-laban-ng-anak-na-si-manny/

Pagkatapos nito, inihayag niya ang retirement sa boxing noong Setyembre 2021. Tanggap naman umano ni Mommy D ang pagreretiro ng anak sa boxing.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/23/mommy-d-tanggap-ang-pagkatalo-ni-manny-pinagreretiro-na/">https://balita.net.ph/2021/08/23/mommy-d-tanggap-ang-pagkatalo-ni-manny-pinagreretiro-na/

Ngunit mukhang hindi pa siya magreretiro sa politika dahil sa kaniyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa, sa halalan 2022.