Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 690 karagdagang COVID-19 variant cases sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 748 ang samples na isinailalim nila sa genome sequencing na isinagawa noong Nobyembre 6.
Sa mga naturang samples, 651 ang Delta variant cases, 22 ang Alpha variant cases, 15 ang Beta variant cases, isa ang B.1.617.1 variant case o Kappa, at isa ang B.1.1.318 variant case.
Dahil sa mga karagdagang variant cases, umaabot na ngayon sa 5,982 ang Delta variant cases sa bansa, 3,577 naman ang total Beta variant cases, at 3,128 ang total Alpha variant cases.
Sa kabuuan, nasa 19,389 na ang samples na naisailalim sa sequencing ng pamahalaan at 17,292 sa mga ito ang mayroong lineages.
Nananatili pa rin namang ang mas nakahahawang Delta variant ang pinaka-comon lineage ng COVID-19 sa bansa.
Mary Ann Santiago