Ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother o PBB housemate at character actress na si Dionne Monsanto na kinabahan siya sa isang event na kaniyang pinuntahan bago ang Undas, ayon sa kaniyang tweets noong Nobyembre 4, 2021.

"I was at a Filipino event on the weekend & I met older Filipinas who commented about what I post here on Twitter. At first kinabahan ako, syempre maraming Filipinos overseas na either D/D/S or Magnanakaw Apologists," aniya.

"But then…"

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Screengrab mula sa Twitter/Dionne Monsanto

Napag-alaman daw niya na karamihan sa kanila ay tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

"I was pleasantly surprised to find out na maka-VP Leni din sila."

I asked them if their voting statuses are active, and to remember to really vote for next year’s elections. 'Yes, bumuboto talaga kami. Walang palya yun.' Kahit nasa abroad, responsableng Pinoy pa rin."

Si Dionne Monsanto ay isa lamang sa mga artistang tagasuporta ni VP Leni para sa kandidatura nito sa pagka-pangulo.