Plano ng Marikina City government na patawan ng penalties o parusa ang mga business establishments na mabibigong sumunod sa ipinaiiral na mga panuntunan ng pamahalaan laban sa overcrowding upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro, kasabay nang pagkumpirma na maraming tao ang dumadagsa ngayon sa Marikina Riverbanks matapos na ibaba pa ng pamahalaan sa Alert Level 2 ang COVID-19 restrictions sa Metro Manila.

Ayon kay Teodoro, hindi lamang mga taga-Marikina ang nagpupunta sa Riverbanks kundi maging ang mga taga-kalapit na lugar gaya ng Rizal, Quezon City at Pasig City.

“Totoo po yun, nangyari po yun, yung pagdagsa ng mga tao. Siguro dahil sa excitement nila. Yung Riverbanks po ay hindi lang mga taga-Marikina ang pumupunta dito, pati yung mga karatig na mga bayan katulad ng Cainta, Antipolo, Quezon City, and ilang [taga-] Pasig,” anang alkalde, sa panayam sa radyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya pa, plano rin niyang makipag-usap sa pamunuan ng Riverbanks upang hilinging maglagay ang mga ito ng administrative at engineering controls para malimitahan ang pagkukumpulan ng mga tao sa lugar.

Plano rin aniya nilang maglabas ng ordinansa ngayong linggong ito, namagpapatawng parusa sa mga negosyong hindi susunod sa protocols na ipinaiiral ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa dami ng mga taong pinapayagang pumasok sa kanilang mgaestablisyemento.

“Ang pinapakiusap at ipatutupad po natin ay at the establishment level, dapat mapasunod at meron nga kaming iniisip na ordinansa na ilalabas po ngayong linggo na ipe-penalize yung mga establishment na hindi makakasunod dito sa IATF regulation na ito,” dagdag pa ni Teodoro.

“Yung first violation iniisip namin, bilang pagbibigay sa mga establishment ay warning muna, at kung maulit ang paglabag nito ay maaaring pagsuspinde nung kanilang lisensya para sa operation,” aniya, hinggil sa posibleng parusang ipapataw sa mga lalabag sa ordinansa.

Matatandaang sa ilalim ng Alert Level 2, ang mga indoor areas ay pinapayagang magpapasok ng mga tao na 50% ng kanilang kapasidad habang ang outdoor areas ay maaaring mag-operate sa 70% capacity.

Mary Ann Santiago