Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang Davao Oriental bandang 12:16 pm., Lunes, Nob. 8 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Unang nasukat bilang 4.4 magnitude ang lindol ngunit kalaunan ay itinaas ito sa magnitude 4.8.
Natunton ang epicenter ng pagyanig sa layong 44 kilometro, northeast of Cateel, Davao Oriental sa lalim na 31 kilometro.
Mahinang pagyanig lamang ang naramdaman sa mga lugar kung saan naitala ang Intensity III sa Cateel, Davao Oriental at Nabunturan, Maco, at Compostela sa Davao de Oro.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol, ibig-sabihin, ito ay sanhi ng paggalaw ng isang aktibong fault sa lugar.
Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian o aftershocks dahil sa lindol, ayon sa Phivolcs.
Ellalyn De Vera-Ruiz