Sinabi ng kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat masaktan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga pagdududa sa pakikipagtulungan ng poll body sa F2 Logistics para sa halalan sa Mayo 2022, at sinabing dapat nitong tiyakin na maipatutupad ang mga safeguard sa kontrata.

“‘Wag masamain na may mga tao na nagtatanong kasi siyempre ang gusto ng mga tao walang bahid, walang duda, klaro na magiging malinis at maayos ang eleksyon,” ani ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, sa isang program sa radio nitong Linggo, Nob. 7.

Ito ang sinabi ni Gutierrez kaugnay ng kontrata ng Comelec sa logistic company kamakailan para sa transportasyon ng mga kagamitan, suplay, at paraphernalia sa halalan na gagamitin sa susunod na pambansang eleksyon.

Dagdag pa ng tagapagsalita, natural lang na magduda ang publiko sa partnership dahil konektado umano ang F2 Logistics sa negosyante at campaign donor ni Pangulong Duterte na si Dennis Uy.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunpaman, nauna nang naglabas na ng pahayag ang Comelec at tiniyak ang publiko na “walang batayan para sabihing may conflict of interest” sa mahigit P500 milyong deal sa logistics firm.

Binigyang-diin ni Gutierrez na dapat ipatupad ang mga pag-iingat upang matiyak ang kredibilidad ng isinarang deal.

“Kaya kailangan talaga dito yung mga nagtatanong ay mabigyan ng malinaw na sagot at yung hinihingi nilang mga safeguard ay maibigay at mapaliwanag sa kanila kasi yun ang habol natin ditto,” sabi ni Gutierrez.

“Lahat tayo nagkakaisa na kailangan maging malinis ang election, walang bahid ng duda, walang pagkakataon na magkaroon ng manipulasyon dito sa prosesong ito. Yun ang binabantayan natin lahat dito. Sana ma maintindihan ng Comelec yun sana tugunan nila yun,” dagdag niya.

Betheena Unite