Bagamat nakikitaan nang pagbagal ng mga kaso ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR) at karamihan ng mga lalawigan sa Pilipinas, nasa kritikal pa rin umano ang virus reproduction number sa mga bayan ng Pudtol sa Apayao at Santa Ana sa Cagayan.
Batay sa latest monitoring report ng OCTA Research group, na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Sabado ng gabi, nabatid na ang reproduction number, o yaong dami ng tao na maaaring maihawa ng isang pasyente ng virus, sa Pudtol ay nasa 3.80 habang 2.17 naman sa Santa Ana hanggang noong Nobyembre 5.
"The delta surge is slowing down in the NCR and most provinces in the Philippines. However, there are smaller municipalities where outbreaks have occurred,” ayon pa sa OCTA.
Hanggang noong Nobyembre 4, ang healthcare utilization rate sa Santa Ana ay nasa 100% at ikinukonsiderang kritikal.
Samantala, ang average daily attack rate (ADAR) o ang bilang ng new daily cases per 100,000 sa naturang mga bayan ay kapwa nasa kritikal na antas rin, matapos na pumalo sa 128.05 sa Pudtol at 51.01 naman sa Santa Ana hanggang noong Nobyembre 5.
Ang Lubang naman sa Occidental Mindoro ay mayroong ADAR na 80 hanggang sa nasabi ring petsa.
Mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 ay nasa kritikal rin ang positivity rate sa Tuguegarao na nasa 35%; Lubang, Occidental Mindoro na nasa 35%; Santa Ana na nasa 33%; Puerto Princesa na nasa 31% at Dumaguete na nasa 30%.
Iniulat rin namannaman ng OCTA na ang Dumaguete at Lubang, na dating areas of concern, ay nakitaan na ng downward trend sa COVID-19 cases.
Sa labas naman ng NCR, ang Zamboanga City ang nakitaan ng pinakamataas na daily average ng mga bagong kaso ng sakit na nasa 86 simula Oktubre 30hanggang Nobyembre 5.
Sinundan naman ito ng Baguio City na nasa 74.
Nabatid na ikinaklasipika ng OCTA na nasa moderate risk ang Zamboanga City, Baguio City, Bacolod, Tuguegarao at Puerto Princesa habang nasa low risk na ang Davao City at Antipolo.
Mary Ann Santiago