Muling binigyang buhay ng international singer-songwriter na si Loren Allred ang isang Regine Velasquez classic.

Sa inilabas na lyric video ng ABS-CBN Star Music nitong Biyernes, Nob. 5, napakinggan nga ang panibagong boses sa likod ng Ryan Cayabyab classic hit na “Araw Gabi.”

Sa collaboration sa Filipino award-winning Filipino-American musical director, muling ni-record ni Loren ang classic original Pinoy music (OPM) na unang napakinggan noong 2005.

Nakilala si Loren sa kanyang hit song na “Never Enough” sa critically acclaimed musical film na “The Greatest Showman” noong 2017.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Sa bagong areglo ni Troy sa kanta, hinangaan ng Pinoy fans ang bagong tunog nito at maging ang powerful interpretation ni Loren Allred.

“This is stunningly beautiful. Grabe ang areglo! And ang linis ng pronunciation ni Loren Allred parang pinoy rin ang kumakanta. Kudos! This added a new flavor to this classic song,” komento ng nangngangalang Jay Quilanta sa official lyric video ng kanta.

“Our OPM artists always cover western songs. This time around, let's make the foreign acts cover OPM songs! Thanks Troy for letting the beauty of OPM be discovered and known to the world. Ryan Cayabyab will surely be delighted with your take on this composition of his,” pahayag ni Thierry.

Araw Gabi - Troy Laureta x Loren Allred (Lyrics) via ABS-CBN Star Music Youtube channel

“Wow goosebumps!! The arrangement tho. I didn’t imagine that this can still be covered in an amazing way I mean Regine’s original version is already magnificent but this one is another level. Kudos to Troy what a genius, plus Loren Alldred I mean who would imagine she will give so much justice to this song. Wow amazing. Hands down to both of you. Regine will be really proud,” segunda ng isa pang Pinoy netizen.

“The arrangement is insane! Troy is incomparable and those vocals from Loren, considering she's not a Filipino, ahhh my ears just went to heaven,” pagpupuri ni Jerald Portugal sa collaboration.

Sa isang panayam sa ABS-CBN noong 2018, ibinahagi ni Ryan Cayabyab na para kay Basil Valdez talaga ang kanta ngunit nakilala kalaunan nang bigyan ng bagong interpretasyon ng Asia’s Songbird.