Nanguna si dating DPWH secretary Mark Villar sa kamakailang senatorial survey na isinagawa ng RP Mission and Development Foundation Inc., noong Oktubre 17 hanggang Oktubre 26, 2021.

Nakakuha ng 53.5% si Villar at sinundan naman ito ni Raffy Tulfo na may 53.1%; Chiz Escudero, 48.9%; Alan Peter Cayetano, 48.5%; at Loren Legarda, 48.2%

Kabilang din sa Top 10 sina Jojo Binay, 37.4%; Jinggoy Estrada, 35.1%; Win Gatchalian, 34.6%; Migz Zubiri, 33.5%; at Risa Hontiveros, 30.2%.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Matatandaang nagbitiw sa puwesto bilang DPWH secretary si Mark Villar upang tumakbo bilang senador sa May 2022 polls.

Naghain siya ng kanyang certificate of candidacy noong Oktubre 6.

Siya rin ang namuno sa Build, Build, Build program ng Duterte Administration.