Nag-motorcade sa Ilocos Sur ang libu-libong riders bilang pagsuporta kay dating Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa pagkandidato nito sa pagka-pangulo sa 2022 elections.
Dakong 5:00 ng madaling araw, nagtipun-tipon na ang mga supporters ng dating senador na pawang nakasuot ng pula na signature color ng mga Marcos.
Mula Sinait, tinatayang 125 kilometro pa ang tinahak ng mga taga-suporta ni Marcos bago narating ang Tagudin.
Naokupa rin ng tinatayang 2,000 Marcos loyalists ang 465 metrong Banaoang bridge sa Santa, Ilocos Sur.
Ayon naman sa mga political analyst, ikinokonsiderang balwarte ng mga Marcos ang Ilocos region o "Solid North." Binubuo ng apat na lalawigan ang rehiyon--Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Naiulat na isa rin sa matatag na taga-suporta ng pamilya Marcos ang Cagayan na bahagi ng norrthern Luzon at kalapit lamang ng Ilocos
Jerick James Pasiliao