Pinuna ng isang grupo ng mga magsasaka ang panukala ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at Department of Health (DOH) na gawing mandatory ang pagbabakuna para sa mga partikular na sektor at sa halip ay hinimok ang mga ito na gawing mandatory ang ayuda.

Sa isang pahayag, muling iginiit ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Chairperson Danilo Ramos na dapat manatiling boluntrayo ang pagbabakuna at mandatory naman ang pagbibigay ng economic aid para sa mga vulnerable sector.

“Ang dapat na gawing mandatory at mabilisan sa ngayon ay ang pagbibigay ng ayuda at pang-ekonomikong tulong sa mamamayan,” sabi ni Ramos.

“The government can’t just impose a jab on anyone or discriminate against anyone who still hasn’t got the COVID vaccine. Convincing people to get a vaccine will be a continuous process of education and public information on the necessity of achieving herd immunity,” dagdag niya habang pinunto ang mataas na pag-aalinlingan sa mga malalayang bayan dala ng kakulangan sa impormasyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bagama’t mabuti na bumaba ang mga kaso ng COVID-19 sa pambansang saklaw, iginiit ni Ramis na ang isang program lamang ng pagbabakuna ay hindi magiging sapat upang mabigyang proteksyon ang mga Pilipino sa hawaan ng sakit.

Dagdag pa niya, dapat ding tiyakin ng gobyenro ang metatag na kabuhayan at accessibility ng pagkain para sa populasyon.

“If the majority of the people remain jobless and lacking in livelihood, it will be hard to stay healthy both physically and mentally,” sabi ng lider ng mga magsasaka.

“In fact, COVID worsened the hunger situation, with food inflation still high at 5.6 percent despite the slower pace of price hike of meat, vegetables, and fish. Hindi abot kaya ng masa ang presyo ng pagkain. Wala pang pambili kaya gutom talaga ang marami.”

Gabriela Baron