DAVAO CITY- Sa gitna ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19), hindi na magiging option ng Davao City COVID-10 Task Force ang home isolation para sa mga pasyenteng may mild symptoms o asymptomatic.

Sa isang pahayag na inilabas ng City Information Office noong Biyernes, Nob 5, sinabi ni Dr. Michelle Schlloser, tagapagsalita ng Davao City COVID-19 Task Force simula Nob. 3, hindi na inilalagay ng lungsod ang mga pasyente sa ilalim ng home isolation at sa halip ay pinapapasok na ang mga ito sa Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF).

“Ipa-complete nalang natin ‘yong currently naka-home isolation,” sabi ni Schlloser.

Noong Setyembre, pinahintulutan ng Davao City COVID-19 Task Force ang home isolation para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19 para ma-decongest ang TTMF sa lungsod at tumulong na unahin ang mga pasyenteng may malubhang kaso.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Currently, we are not anymore within the surge. Wala na tayong surge so therefore, wala ng reason para mag-home isolation because we have enough number of COVID beds,”sabi ng opisyal.

Mula alas-5 ng hapon nitong Biyernes, ang Department of Health Davao Center for Heakth Development ay nag-ulat ng 117 bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung kaya ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ay nasa 3,044. Sa mga bagong kaso, 30 ay mula sa lungsod ng Davao na kasalukuyang mayroong 636 kabuuang aktibong kaso.

“We are not sure who among them are on home isolation but with these active cases), when we say active cases, this is for the past 14 days, this is very low. Ang atong positivity rate for this week is 7. That’s actually very low,” paggpupunto ng opisyal.

Zea Capistrano