COTABATO CITY -- Pumanaw na si dating Maguindanao Rep. Didagen "Digs" Dilangalen nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 6, ayon sa social media post ng kanyang anak na babae.

"My father has passed away. We sincerely ask for your prayers in this trying time,” ayon sa Facebook page ni Bai Donna Dilangalen.

Nagsilbing congressman si Dilangalen simula noong 1995 hanggang 2004.

Naging representative rin siya ng Shariff Kabunsuan province noong 2007 hanggang 2010.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Nagsilbi rin siya bilang spokesperson ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Samantala, noong 2004 ay tumakbo siya bilang senador ngunit siya ay natalo.

Gayunman, walang nabanggit kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng dating Maguindanao rep.

PNA