Ipinagdiriwang ni Enchong Dee ang kanyang 15th year sa showbiz ngayong 2021. Bilang bahagi ng kanyang itinagal sa showbiz, ipinagkatiwala sa kanya ng Kapamilya Network ang role ng isang tattoo artist sa 30th anniversary episode ng Maalaala Mo Kaya na 'Ink of Smile'.

Inuulan din ng projects ang aktor dahil bukod sa MMK, bahagi rin siya ng teleseryeng 'Huwag Kang Mangamba'.

Nagpapasalamat si Enchong sa tuloy-tuloy na biyayang kanyang natatanggap sa 2021.

“Kakatapos lang ng Huwag Kang Mangamba, kakasimula ng PBB (Pinoy Big Brother), nag-a-ASAP pa rin. Meron akong inaasahan na isang pelikula na gustong-gusto ko gawin, and supposedly mag-start siya end of November and matatapos siya before Christmas. Pero na-move so next year, 'iyon yung hihintayin ko. Pero for the meantime, gusto ko siguro magpahinga kasi natataranta yung utak ko sa mga lock-in tapings. Ngayon pa lang ako nasasanay," pahayag ng aktor sa media conference ng MMK nitong Nobyembre 3.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“I think having to say that five years na ako, ten years na ako, 15 years and so on, it’s a medal. It’s something you can show to your peers and your family na ‘Look, I’m still needed. I can still offer something because I’m still here.’ I’m very humbled actually. Not privileged but humbled to be working, na kapag nagdadasal kami sa set bago magsimula, isa roon sa mga dasal namin ‘Lord salamat dahil nakakapagtrabaho kami sa gitna ng pandemya, sa panahon na maraming naghihikahos’ kaya I’m very humbled,” saad pa ng aktor.

Dahil sa sunod-sunod niyang trabaho including MMK episode na nataong pa-birthday sa kanya ng network, naitanong sa aktor kung ano pa ang kanyang wini-wish sa kanyang kaarawan? Natatawa ito,sabay sabing “Tulog?''

Dagdag niya, " At saka siguro yung time off to learn new things. I want to immerse myself with more business people. I want to immerse myself with a different lifestyle? Dito sa Pilipinas kasi, aminado tayo na naging privileged tayo. Pero I want to go back to kung ano yung nakasanayan ko. I need to ground myself every now and then. Hindi ko ikakaila na paminsan-minsan lumalaki yung ulo ko, ‘di ba. Kaya kailangan ko ng reset. I need to ground myself every once in a while."

Dahil wala pang prangkisa ang ABS-CBN, inihayag ng aktor na siya man din ay nakatanggap ng offers sa ibang networks pero ayon kay Enchong, hindi niya iiwanan ang ABS-CBN dahil dito siya nag-umpisa at nakilala at siya raw ay forever loyal Kapamilya.

“Meron (offer), even prior to the pandemic, prior to the shutdown. Pero kasi ang lagi kong sinasabi, nasa punto na ako ng buhay ko na kung ano yung na-establish kong relationship, mas importante kasi sa akin yun eh, yung pera kikitain mo yan. Kilala niyo naman ako kung paano sa pera. Pero hindi kasi yun yung main goal ko sa trabahong ito."

"Ayoko nang magsimula ng bagong relationship because I feel like I was able to establish a good relationship with people that I’ve worked with for the past 15 years. And ang hirap ulit magsimula, that’s number one. Number two, ang plan B ko kasi is to be a business tycoon."

"Yun yung isa sa mga pangarap ko hindi ang mag-switch ng network. And number three, again this is just my opinion, pero kailangan kasi ako ng Kapamilya. Unti-unti nababawasan, paminsan-minsan may nababalitaan tayong nagde-decide and I respect their decision. I know they have every valid reasons why they are doing that pero ako, yun lang yung sa akin,” pahayag ni Enchong.

Ador V. Saluta