Sa layuning makamit ang mas inklusibong pag-unlad sa kanayunan bago siya bumama sa Palasyo, pinangunahan ni Pangulong Duterte ang paglulunsad ng Siargao Island Sports and Tourism Complex (SISTC), at ng Catangnan-Cabitoonan Bridge System sa Siargao Island, Surigao del Norte, noong Sabado, Nob. 6.

Sa kanyang taumpati sa inauguration rites, sinabi ni Duterte na ang sports, turismo, at bridge system ay nakikitang magpapalakas sa sektor ng turismo ng Siargao at magpapalakas ng mga economic activities sa lugar.

Pinuri niya ang paglulunsad ng P630.2-million SISTC na nabanggit niyang natupad sa panahon na binubuhay ng gobyerno ang industriya ng turismo sa bansa habang ito ay bumabangon mula sa coronavirus (COVID-19) pandemic.

“I am confident that this newly-constructed sports complex will inspire greater passion for sports among our young people and encourage them to take advantage of these facilities to develop their talents,” sabi ng Pangulo.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

“It is also expected to promote the social, cultural, and economic perspective of Siargao and be capable of hosting major sports and other big-ticket events on the island. Puwede na big events, mga athletic programs,” dagdag niya.

Ang sports at tourism complex ng isla, na binuo sa pamamagitan ng lokal na pagpopondo, ay mayroong convention center, dormitoryo, swimming pool, at isang sports field na may track oval, grandstand, bukod sa iba pa.

Pinasinayaan din noong Sabado ang P848-million Catangnan Bridge, na kasama ng Libertad Bridge 1 at 2, ay nag-uugnay sa iba’t ibang barangay ng bayan ng General Luna, ang sentro ng turismo sa Siargao Island.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang pagtatayo ng karagdagang mga kalsada at tuloy ay mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil nagpapahusay ito sa mobility at accessibility ng mga tao, produkto, at serbisyo.

“With all these infrastructure developments, we are confident that Siargao will cement its place as one of the premier tourist destinations in the Philippines which is now, really, one of the sought-after [places],” sabi ni Duterte.

“It’s really famous. It has become famous. So I said take care of what you have now and preserve it for the next generation,” dagdag niya.

Argyll Cyrus Geducos