Humigit-kumulang 47 na milyong doses ng coronavirus disease (COVID-19) ang kasalukuyang nasa storage facilities ng gobyerno ang hindi pa nababakuna, ayon sa adviser ng National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo, Nob 7.

“As of October 31, nasa 47 million ang doses na nasa storage na hindi pa nababakuna, kasi mga 60 million ang naibakuna na natin," ayon sa panayam ni Dr. Ted Herbosa sa DZBB.

Nasa 860,000 ng Pfizer vaccine ang nadeliver sa bansa nitong Nobyembre 6 kaya't umabot na sa 110,646,500 doses ang kabuuang bilang ng suplay.

Sinabi rin ng health adviser na nasa 1.5 milyong doses ng AstraZeneca vaccine ang dinonate ng COVAC noong nakaraang buwan at nakatakdang ma-expire sa Nobyembre 30.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Wala namang problema ‘yan kasi nangyari na ‘yan noong Abril. Nakapagbakuna na tayo at naubos naman natin yung AstraZeneca," aniya.

“So as of now, ‘yan ang nilalabas natin muna sapagkat yung iba mahaba pa ‘yung shelf life," dagdag pa niya.

Sa huling pagtatala noong Nobyembre 6, nasa 63,733,776 doses ng COVID-19 vaccines ang nai-administer na sa bansa base sa National COVID-19 Vaccination Dashboard.

Sa naturang bilang, nasa 34,402,150 doses na ang ginamit sa first dose, habang 29,331,626 doses naman ang ginamit para sa second dose.

Jhon Casinas