Pinalaya na ang 40 persons deprived of liberty (PDLs), 29 sa kanila ang naabsuwelto mula sa mga kasong kriminal, mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. 

Sa isang pahayag na inilabas ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Sabado ng gabi, Nob 6, 11 sa mga pinalaya ang nakatapos na ng kanilang sentensiya.

“After receiving their Certificates of Discharge signed by CT/SSupt. Ricardo B. Zulueta in compliance with a memorandum issued by Director General Gerald Q. Bantag, the 40 PDLs expressed new hopes outside of prison bars,” anang BuCor.

“They were granted a transportation allowance for travel to their respective home town, as well as their certificates of recommendation. All of them tested negative for COVID-19 virus,” dagdag pa nito.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Sinabi ni Corrections Chief Inspector Raul B. Sinadjan Jr., pinuno ng BuCor’s Inmate Documents Processing Division (IDPD), nasa 3,695 ang kabuuang bilang ng mga pinalayang PDLs mula sa pitong kulungan na pinamamahalaan ng BuCor.

Dagdag pa ni Sinadjan, kasama sa mga pinalaya sa Republic Act No. 10592, the Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang mahigit 2,000 na preso.

Pinaiikli ng GCTA credits ang "jail term" ng isang bilanggo.

Bukod sa NBP, ang iba pang prison facilities ng BuCor ay ang Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, the Davao Prison and Penal Farm (DPPF), Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan, San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga, Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro, and the Leyte Regional Prison (LRP).

Jeffrey Damicog