MEXICO CITY, Mexico -- Hindi bababa sa 19 na katao ang namatay at tatlo ang sugatan sa isang aksidente sa highway na nagdurugtong sa Mexico City at central city ng Puebla nitong Sabado, ayon sa awtoridad.

Nangyari ang aksidente nang bumangga ang isang cargo truck sa ilang mga sasakyan sa isang toll booth sa highway. Nasunog din ang ilang sasakyan dahil sa banggaan. 

“When crossing the toll booth, the truck dragged six vehicles, causing the death of 19 people and 3 injured. Among the deceased is the driver,” ayon sa pahayag ng federal highway authority na CAPUFE.

Dinala agad ang mga sugatan sa ospital.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sinabi ng CAPUFE, nagtatrabaho na sila upang alisin ang mga sasakyang sangkot sa aksidente. 

Dinaraanan ng mga cargo trucks ang 110-kilometrong highway kung saan nangyari ang aksidente.

Agence-France-Presse