Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Coast Guard (PCG) ang ₱5.1 milyong halaga ng 'ukay-ukay' na sakay ng isang truck sa Matnog Port sa Sorsogon kamakailan.

Sa pahayag ng BOC-Legazpi, hindi na nakalusot sa nasabing lugar ang isang one-wing van truck nang mabisto na pawang second hand ng mga damit ang laman nito at walang kaukulang papeles.

Natuklasan na nagmula pa sa Mindanao Avenue sa Quezon City ang nasabing kargamento na binubuo ng 449 na bungkos ng mga damit at dadalhin sana sa Davao City.

Idinagdag pa ng BOC, ang pag-aangkat at pagbibiyahe ng second hand na mga damit ay paglabag sa Republic Act 4653 (An Act to Safeguard the Health of the People and Maintain the Dignity of the Nation by Declaring it a National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags) at sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van