Nakakuha ng libreng sakay ang mga mag-aaral sa Valenzuela City patungo sa vaccination site habang sinisimulan ng lokal na pamahalaan ang pagbabakuna ng mga menor de edad laban sa COVID-19 nitong Sabado, Nobyembre 6.
Sa pamamagitan ng "Bakuna shuttle," sinundo ang mga public school students (mayroon o walang comorbidities), mga magulang, at guardian sa kani-kanilang kampus at dinala sa Valenzuela City Astrodome.
Limang shuttles ang dineploy nitong Sabado-- tatlo sa Bignay National Highschool at dalawa sa Valenzuela National Highschool.
Ang mga naturang shuttle ay ginamit sa "Libreng Sakay" program ng lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nirerequire ang mga estudyante na ipresenta ang kanilang mga dokumento bago pumasok sa site para sa mabilis ng proseso ng pagbabakuna.
Nasa 144 na estudyante ang inaasahang masundo at mabakunahan ngayong Nobyembre 6 simula 8 a.m. hanggang 4 p.m.
Aaron Dioquino