Ayon sa anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC), 100 percent ang passing rate ng University of the Philippines – Los Baños (UPLB) sa October 2021 Chemist Licensure examination.
Samantala, ang Adamson University, UPLB, at Mindanao State University – Marawi City ang lumabas bilang top-performing schools sa Chemical Technician Licensure Exam na may 100 percent passing rate.
Inihayag din ng PRC na 134 sa 369 ang pumasa sa Chemist Licensure Examination habang 1,074 sa 1,332 ang pumasa sa Chemical Technician Licensure Examination na ibinigay ng Board of Chemistry sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, San Fernando, Tacloban at Zamboanga.
Sina Adoracion P. Resurreccion, Soledad Castañeda, at Ma. Theresa Cayton, miyembro ng Board of Chemistry, ang nasa likod ng examinations.
Isinapubliko ang resulta apat na araw matapos ang huling araw ng pagsusulit.
Gabriela Baron