Muli na namang nagningning ang ganda ng Pinay matapos koronahan bilang pinakabagong Miss Globe 2021 si Maureen Ann Montagne nitong Sabado, Nob 6.

Patuloy ang pamamayagpag ng Binibining Pilipinas queens nang sundan agad ni Maureen ang pagpakanalo ni Cinderella Faye Obenita sa Miss Intercontinental 2021 na ginanap sa bansang Egypt noong Oktubre 30.

Screengrab mula sa Miss Globe Youtube channel

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Si Maureen ang ikalawang Pilipinang nakapag-uwi ng titulo para sa bansa matapos unang masungkit ni Loraine Anne Colis ang korona noong 2015.

Ilang pageant fans naman ang hindi na nagulat sa ipinamalas na husay ng kandidata dahil nagpasiklab na agad si Maureen sa mga pre-pageant activity.

Basahin: Maureen Montagne, nagpasiklab na agad sa pre-pageant activities ng Miss Globe – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Miss Globe crown ay ikalawang koronang naiuwi ng Binibining Pilipinas 2021 titleholders ngayong taon kasunod ng Miss Intercontinental crown.

Dalawa sa apat na Binibining Pilipinas queens ang nakatakdang sumabak pa sa international stage kabilang si Samantha Panlilo para sa Miss Grand International sa Thailand at si Hannah Arnold para naman sa Japan-based beauty pageant na Miss International.

Naganap ang finals ng Miss Globe sa bansang Albania. Natalo ni Maureen ang 50 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.