Isinapubliko ng kumpanyang Pfizer nitong Biyernes na mabisa umano ang kanilang pill upang gumamot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinagbatayan ng kumpanya ang isinagawang clinical trialkung saan binanggit na mayroong 89 percent reduction sa panganib ng pagpapaospital o pagkamatay ng matatandangpasyenteng nahawaan ng virus.

Ipinagmalaking kumpanya na posibleng ito ang paunang hakbang upang matigil na ang pandemya ng COVID-19.

Maaari itong gamitin sa pamamagitan ng pagturok sa ugat o vaccine shots kapag ang pasyente ay ginagamot sa bahay.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang naturang pill ay tinawag na Paxloid, ayon sa kumpanya.

Isusumite na ng Pfizer ang naturang datos saFood and Drug Administration para mabigyan sila ngEmergency Use Authorization.

“Today’s news is a real game-changer in the global efforts to halt the devastation of this pandemic,” pagididiin naman ni Pfizer Chief Executive Officer Albert Bourla.

Agence-France-Presse