Inalis na ng Paranaque City government ang liquor ban sa lungsod matapos ibaba sa Alert Level 2 ang National Capital Region noong Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 21.

Sa isang Facebook post, inanunsyo ng Public Information Office (PIO) ang pag-aalis ng liquor ban sa lungsod, ngunit nilinaw nito na ang mga establisyimento na may updated permits lamang ang pinapayagang magbenta ng mga alak.

Kasabay nito, inihayag din ng PIO na maaari nang lumabas ang mga batang may edad 17-anyos pababa kung sila ay may kasamang magulang o guardian.

Epektibo pa rin ang curfew para sa mga menor de edad simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Hinihikayat din ng lokal na pamahalaan na mag-apply ng safety seal certification ang business establishments para payagan silang magdagdag ng 10 percent capacity.

Jean Fernando