Aabot sa 866,970 doses ng Pfizer vaccine ang dumating sa bansa nitong Biyernes ng gabi.

Sakay ng Air Hong Kong ang bakunang inilapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3.

Sinalubong ito nina Office of the Presidential Adviser on the Peace Process assistant secretary Wilben Mayor; U.S. Embassy Economic Affairs chief Saptarshi Basu, at Department of Health Director Ariel Valencia.

Sa pagkakadeliber ng nasabing bakuna, umabot na 109,779,430 doses ang kabuuang bakunang naideliber na sa Pilipinas