Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado na posibleng tumaas muli ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa pagsapit ng Disyembre kung patuloy na binabale-wala ang ipinaiiral na health protocol sa bansa.

Sa isinagawang public briefing, idinahilan ni DOHUndersecretary Maria Rosario Vergeire ang naging pagtaya ng ahensya nitong Oktubre 26 kung saan binanggit na posibleng umabot ng 52,000 ang aktibong kaso ng sakit sa huling buwan ng taon.

"Pagka nawala po o tumaas ang mobility natin, ang ating active cases sa buong Pilipinas may reach up to 52,393.Maaari ito pong ang ating numero na mayroon tayo ngayon ay ganun pa rin hanggang sa end ng December," pahayag nito.

Nitong Biyernes, muling pinaluwag ng gobyerno ang paghihigpit nito laban sa COVID-19 nang ibaba nila sa Level 2 ang alerto nito sa Metro Manila dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng sakit sa rehiyon.

Sa panig naman ng PhilippineNational Police (PNP), aabot sa 9,000 ang kanilang inaresto dahil sa paglabag sa quarantine protocols sa unang araw ng implementasyon ng nabanggit na alert level.