LUCENA CITY, Quezon-- "I wish him the best," ito ang reaksyon ni dating House Speaker at 1st District Rep. Alan Peter Cayetano, sa napabalitang kinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo sa pagka-senador sa May 2022 elections.
Inilabas ni Cayetano ang pahayag matapos tanungin ng mga mamamahayag na nakabase sa Quezon sa pagtitipon ng mga miyembro ng Quezon Pastors Association sa Quezon Convention Center nitong Sabado, Nobyembre 6 kung saan ito naging panauhin.
Ayon kay Cayetano, kung siya ang tatanungin, kahit kakandidato ang Pangulo sa pagka-bise presidente o senador ay sinusuportahan pa rin niya ito.
Paliwanag ni Cayetano, nakikita na niya ang posibleng mangyari, katulad kay dating Pangulong Fidel Ramos dahil sa malawak ang naging karanasan at inirerespeto bilang pulitiko.
Idinahilan din ni Cayetano na minsan ay kahit hindi na magkaroon ng posisyon sa pamahalaan upang maging "influential."
"And I don't doubt he will continue to be influential in the days to come, but whatever his decision is I'm wishing him the best," dagdag pa ni Cayetano.Danny Estacio