Dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 21-anyos na babae matapos mahulihan ng halos ₱17 milyong halaga ng ecstasy sa Barangay Tatalo, Quezon City, nitong Biyernes ng hapon.
Sa report ng pulisya, nakilala ang suspek na si Elisha Mae Ilas, taga-No. 39 BMA corner Caliraya St., Tatalon ng nabanggit na lungsod.
Isinagawa ang pagdakip nang magkasa ng controlled delivery operation ang mga awtoridad sa bahay nito, dakong 3:45 ng hapon.
Nasamsam ng mga awtoridad ang ₱16,911,600 na halaga ng ecstacy tablets na nakapaloob sa ipinadalang package sa bahay ng suspek.
Nagmula sa Belgium ang package na ipinadala sa suspek, gayunman, nabisto ito ng mga awtoridad sa Clark International Airport sa Pampanga.
Jun Fabon