Mas maraming pamilya, kabilang ang mga may anak at matatanda, ang mag-e-enjoy ngayon sa mga tourist destinations sa bansa sa pagluluwag ng mga restriksyon sa Metro Manila hanggang Nob. 21.

Tinanggap ni Department of Tourism (DOT) Secretray Bernadette Romula-Puyat ang “encouraging development” na ito mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases,habang pinunto na ito ay magbibigay ng mas malawak na mobility sa publiko sa darating na holiday season.

“We thank our colleagues in the IATF for hearing the plea of our stakeholders to put the NCR under Alert Level 2. The eased travel restrictions under this alert level will greatly help tourism businesses bounce back and maximize the opportunities brought by the holiday season,” sabi ni Puyat sa isang pahayag.

“We expect more Filipinos–especially families with children and elderly–to be able to enjoy our tourist destinations while following minimum health and safety protocols,” dagdag ng kalihim.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Biyahe sa ilalim ng Alert Level 2

Batay sa alituntunin ng IATF, ang interzonal at intrazonal na pagbiyahe ay papayagan sa mga lugar nan as ilalim ng Alert Level 2, na sakop ng ilang resonableng restriksyon ng mga lokal na pamahalaan.

Ang mga indoor venue ay pinahihintulutan na tumanggap ng maximum 50 percent capacity para sa mga fully vaccinated individual at mga wala pang 18 taong-gulang, kahit na hindi nabakunahan, habang ang outdoor venues ay pinapayagang tumanggap ng hanggang 70 percent ng kapasidad ng lugar.

Parehong paghihigpit ang susundin sa mga lugar ng meetings, incentives, conference at exhibitions (MICE) at social events; tourist attractions kagaya ng museo, gallery, eksibit, parke, plaza at public gardens mga scenic viewpoints; at mga amusement park o theme park.

COVID test para sa mga hindi bakunadong indibidwal

Samantala, pinaalalahanan ni Puyat ang mga adult hotel guest at leisure traveler na hindi pa ganap na bakunado laban sa COVID-19 na maaaring kailanganin pa rin silang kumuha ng RT-PCR test nang hindi hihigit sa 48 oras bago ang check in.

Hinikayat din ang mga biyahero na kailangang sumailalim sa COVID-19 test na gamitin ang patuloy na subsidy program ng DOT sa pamamagtan ng Tourism Promotions Board (TPB) at Philippine Children’s Medical Center (PCMC). Sa ilalim ng programa, ang mga turista ay maaaring mag-avail ng libreng RT-PCR test na may limit hanggang 350 aprubadong aplikante kada araw.

Nakasaad din sa mga alintuntunin na lahat ng mga manggagawa at empleyado ng mga establisyimento ay dapat na ganap na mabakunahan laban sa COVID-19, at dapat mapanatili ang minimum public health standards bago muli silang makapag-operate.

Inaprubahan ng IATF noong Huwebes, Nob. 4 ang de-escalation ng National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 patungong Alert Level 2 mula Nob. 5 hanggang Nob. 21.

Ito ay kaugnay ng alert level system na isinusulong ng national government sa NCRbilang estratehiya para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang Alert Level 2 ay tumutukoy sa mga lugar kung saan mababa at bumababa ang kaso ng COVID-19, mababa ang healthcare utilization o mababa at bumababa ang bilang ng kaso, ngunit tumataas ang kabuuang bed utilization rate at ang intensive unit utilization sa mga lugar.

Alexandra Dennise San Juan