Nakatanggap ng P50,000 cash gifts  ang siyam na centenarians mula sa Valenzuela City local government nitong Biyernes, Nobyembre 5.

“I send my regards to our dear centenarians at home… Let this cash incentive from your city government help you sustain your needs as you further reach your golden years. You are a part of Valenzuela City’s history and this incentive is our way of saying ‘thank you’ as we celebrate your life here in Valenzuela City,” ayon kay Mayor Rex Gatchalian.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakatanggap ng cash incentives and mga centenarians simula noong COVID-19 pandemic, ang kanilang mga kamag-anak ang kumukuha nito dahil pinayuhan silang manatili sa bahay para sa kanilang kaligtasan.

Bukod sa cash incentives, nakatanggap din ang mga ito ng food packs mula sa Alliance of Senior Citizens sa Valenzuela.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang kwalipikadong centenarian ay dapat magparehistro sa Office of the Senior Citizen (OSCA).

Ang pamamahagi ng cash incentives ay nakapaloob sa City Ordinance No. 300 o ang "Centenarians Ordinance of Valenzuela City" na ipinasa noong 2016. 

Iba ito sa P100,000 incentive na mula sa Department of Social Welfare and Development.

Aaron Homer Dioquino