Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang pang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng napaulat na pagtakbo nito sa pagka-senador.
Ito ang reaksyon ni Roque matapos ihayag ng dating tauhan ni Duterte na si Senator Bong Go na tumatakbo naman sa pagka-bise presidente, na pinag-iisapan pa ng Pangulo na mapabilang sa Senado.
Matatandaang ilang buwan nang binabatikos ng Pangulo ang Senado dahil umano sa pamamahiya sa mga miyembro ng Gabinete na iniimbitahan sa isinagawang imbestigasyon sa umano'y overprice na COVID-19 medical supplies na idiniliber ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa pamahalaan.
“As far as I know, wala pa pong pinal na desisyon. But as Senator Bong Go said, he is considering it,” sabi ni Roque.
“Yung posibilidad na tatakbo rin po si Presidente para senador, ‘yan po ay isang positive development as far as my own candidacy is concerned dahil patuloy pa rin po kaming magkakasama ni Presidente sa kampanya," pahabol na pahayag nito.
Nitong nakaraan buwan, inanunsyo ng Pangulo na magreretiro na ito sa pulitika.
Sina Duterte at Roque ay hindi naghain ng kanilang kandidatura para sa anumang puwesto sa 2022 national elections sa kabila ng kanilang anunsyo na tatakbo sila sa pagka-bise presidente at senador, ayon sa pagkakasunod.
Nitong nakalipas na buwan, nabigla ang publiko nang maghain si Go ng kandidatura para sa pagka-bise presidente.
Argyll Geducos