Sa ibinahaging higit pitong minutong video sa official Facebook page ng bandang Ben&Ben nitong Huwebes, Nob 4 makikitang nag-alay ng mga kanta si Paolo Guico sa funeral wake ni Melanie Trinidad, isang estudyanteng nasawi sa isang sunog sa Novaliches, Quezon City kamakailan.

“Si Melanie ay isang estudyanteng namayapa dalawang araw na ang nakalipas. Biktima siya ng sunog na nangyari sa Novaliches, QC. Nakausap namin yung mga malapit kay Mels, at hanggang sa huli, ang pinaglaban niya pa rin ay yung kapakanan ng mga mahal niya sa buhay, at yung pag-aaral at kinabukasan niya. Thank you for your bravery and compassion, Melanie. You'll live on forever through the people whose lives you've touched,” pagbabahagi ng banda.

“Liwanag si Melanie. Kaya sa huling pagkakataon, pumunta kami sa service niya para makiramay at maghandog ng iilang mga awit. Let's all pray for the repose of her soul,” dagdag ng Ben&Ben.

Kabilang sa limang kantang inawit ni Paolo ang “Leaves” at “Magpahinga.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa paglalarawan ng mga kaibigan, isang avid fan ng banda si Melanie. Kabilang sana si Melanie sa graduating class ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa.

Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Elisse Danielle Delos Reyes, kaibigan ni Melanie, sa banda matapos tuparin nito ang pangarap na marinig ang Ben&Ben.

Larawan mula kay Elisse Danielle Delos Reyes via Facebook

“Sa Ben&Ben at sa Liwanag team, paulit-ulit man ako, pero gusto ko pong magpasalamat for this very humane act. As your fan, masasabi kong I really stan the right band. Sobrang proud ako sa generosity niyo. Thank you for sharing your talent to those who need it most. For sure, sobrang busy niyo sa upcoming concert niyo but you still found time to extend your help and grieve. This means a lot to us, lalong lalo na kay Melanie! Kung alam niyo lang po talaga kung gaano niya kayo kamahal,” ani Elisse sa isang Facebook post.

Upang matulungang makalikom ng donasyon ang naiwang pamilya ni Melanie na nagtamo rin ng ilang sugat dahil sa insidente, nanawagan na rin ng banda sa kanilang fans na tinatawag nilang “Liwanag” na magpadala ng abot-kayong tulong.

Narito ang mga detalye ng inilunsad na donation drive:

Gcash: Elizabeth Lagnason, 0916-661-1405

East West: Elizabeth Lagnason, Account number: 2000-4497-7345

BPI: Lizette Ladia, Account number: 454-9438-151

Ayon sa mga naunang ulat, nasawi si Melanie matapos subukan nitong isalba ang laptop sa loob ng nasusunog nilang tahanan.