Hindi umano humihingi ng bayad ang Public Attorney’s Office (PAO) na pinamumunuan ni Persida Rueda-Acosta, kapalit ng kanilang serbisyo.

“Hindi nagpapabayad si PAO Chief Acosta kahit kanino man," ayon sa isang Facebook post ng ahensya.

“Sa mga gumagamit po ng pangalan niya at nagpapanggap na siya, tigilan po ninyo ang ganitong klase ng panloloko dahil mananagot po kayo, una sa Diyos at sa batas kapag kayo ay nahuli," ayon pa sa socia media post.

Ang PAO na pinangangasiwaan ngDepartment of Justice ay nagbibigay ngfree legal assistance sa mahihirap na may nakasampang mga kaso sa hukuman.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Matatandaang isang abogado ng PAO sa Occidental Mindoro ang sinibak ng Office of the Ombudsman noong 2017 dahil sa pagpapabayad nito sa kanyang serbisyo.

Si District Public Attorney Jennifer Garcia-Laudencia, nakatalaga sa PAO sa San Jose, Occidental Mindoro ay tinanggal sa serbisyo nang mapatunayang nagkasala sa kasong administratibo nang hingan nito ng bayad ang mag-asawang sina Rodolfo at Maira Abrea kapalit ng paghahanda nito ng legal documents.

Jeffrey Damicog at Rommel Tabbad