DAGUPAN CITY, Pangasinan -- Nagtalaga ng bagong provincial director ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) nitong Biyernes, Nobyembre 5.

Papalitan ni PCol. Richmond Laranang Tadina, dating Police Regional Office 1 (PRO1) Operations Division chief, si PCol. Ronald V. Gayo na acting provincial director.

Magsisilbing chief-of-staff ng PNP Aviation Security Group (AVSEGroup) si Gayo.

Sa isang panayam, sinabi ni Tadina na tututukan niya ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng lalawigan.

Probinsya

12.1°C, naitala sa La Trinidad, Benguet; amihan, inaasahang mas palalamigin pa ang panahon

Sinabi rin niya na tututukan niya ang pagresolba sa mga insidente ng pamamaril sa lalawigan, habang guagawa ng mga hakbang para sa anti-criminality.

Bukod dito, pananatilihin din umano ni Tadina ang mga proyektong nagawa ni Gayo sa lalawigan.

Matatandaang nakatutok ang Pangasinan PPO sa mga anti-illegal drug, anti-carnapping, anti-illegal gambling operations, at pagtugis sa mga wanted na tao.

Ahikam Pasion