Nakapagpabakuna na ang Muntinlupa City government ng mahigit 2,000 na menor de edad sa loob ng walong araw.
Simula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 4, nasa 2,069 na ang kabuuang bilang ng mga nabakunahang menor de edad, na wala at mayroong comorbidities, sa Muntinlupa.
Sa naturang bilang, 1,209 na menor de edad ang nabakunahan sa Ospital ng Muntinlupa (OsMun) sa Bgy. Alabang, isa sa mga pilot hospitals para sa pagbabakuna sa mga kabataan sa lungsod.
Gayunman, 444 na menor de edad ang nabakunahan sa SM Center Muntinlupa at 444 sa Ayala Malls South Park.
Sa huling datos noong Nobyembre 1, nasa 16,399 na menor de edad kabilang ang 1,363 na may comorbidities ang nakapagparehistro na sa MunCoVac.