Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa bunsod na rin ng namataang low pressure area (LPA) sa Samar, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

"It (LPA) still has a slim chance of developing into a tropical cyclone. But this will bring rains over many areas in Luzon, especially in parts of the Bicol region," paliwanag ni weather forecaster Aldczar Aurelio ng PAGASA nitong Biyernes.

Sa abiso ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 60 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar.

Sa pagtaya ng ahensya, kabilang sa makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Visayas, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Mindoro provinces, at Palawan.

Probinsya

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep

Posible rin aniyang makaranas ng manaka-nakang pag-ulan ang iba pang bahagi ng Luzon dulot ng northeast monsoon.

Inaasahan din aniya ang kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao na bunsod ng localized thunderstorms.