Sa nilagdaang executive order ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, idineklarang walang pasok sa eskwela at trabaho sa lungsod sa darating na Nob. 8 upang alalahanin ang delubyong tumama sa rehiyon halos walong taon na ang nakakalipas.
Ilang aktibidad ang ilulunsad ng iba’t ibang grupo bilang paggunita sa anibersaryo ng Super-typhoon Yolanda upang kilalanin din ang mga ibinigay na aral nito, at ang dinanas na paghihirap ng libu-libong residente sa buong rehiyon.
Matatandaang ika-8 ng Nobyembre taong 2013 nang hagupitin ng Super-typhoon Yolanda ang Eastern Visayas.
Tinatayang nasa 6,000 ang kinitil na mga buhay nito at 14 milyon katao ang apektado.
Ang lungod ng Tacloban City ang tinaguriang ground zero ng trahedya.