Dahil sa progresibo at agresibong vaccination drive, makakamit na ng National Capital Region (NCR) na ma-fully vaccinated ang halos 100 porsyentong target population nito laban sa COVID-19 sa susunod na taon.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ang kanilang projections ay nagpapakita ng 94.62 na porsyento ng 9.8 na milyong eligible population na nakatakdang makumpleto ang vaccination series sa Disyembre 1.

Tataas ito hanggang sa 99.46 na porsyento o 9,747,243 na indibidwal sa Pebrero 1, 2022.

Nasa 87.69 na porsyento ng target population o 8.59 na milyon ang fully vaccinated sa NCR, base sa huling datos noong Nobyembre 1.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Inanunsyo rin ng IATF noong Oktubre 31, na nasa 9,374,416 na indibidwal o 95.89 na porsyento ng target population sa Metro Manila ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccines habang 8,498,986 na indibidwal o 86.93 na porsyento ang fully vaccinated. 

Mayroong 13,484,462 na total population ang Metro Manila, ayon sa 2020 Philippine Statistics Authority (PSA). census.

Anim na lungsod sa NCR ang nakamit ang herd immunity sa pamamagitan ng paglampas sa target ng DOH na 70 na porsyento. Ito ay ang San Juan, Las Pinas, Marikina, Mandaluyong, Taguig, and most recently, Pateros.

Makikita sa infographic na ito na malapit ng umabot sa "finish line" ng pagbabakuna ang mga lungsod sa Metro Manilla.

NCR VACCINATION STATUS

Aaron Dioquino